Our Community

COMMUNITY

Harana Kay Maria
November 19, 2022



Magandang araw sa inyong lahat! Inaanyayahan namin kayong manood ng aming benefit concert na pinamagatang “Harana Kay Maria” na may temang — Maria, sa tanglaw at gabay ng Banal na Espiritu, ating Inang Kalakbay bilang Sambayanan ng Diyos.

Ang aming parokya na Our Lady Of Remedies Parish Church ay taon-taong nagsasagawa ng isang tradisyunal na okasyon - ang Harana Kay Maria. Ito ay isang pagtatanghal na iniaalay kay Maria bilang pasasalamat sa ating mahal na birhen tuwing kapistahan ng Birhen de los Remedios. Ngunit noong nakaraang taon, nang dahil sa hamon ng pandemya, ito ay ipinagpatuloy bilang isang birtual na programa.

At ngayon, amin kayong inaanyayahan upang saksihan ang pagbabalik ng pinaka-inaabangang face to face concert ng Harana Kay Maria!

Sa pagkakataong ito, ang nasabing event ay gagawing isang fundraising concert para sa Parish Educational Assistance Program (PEAP) at Social Services. Ito ay gaganapin sa ika-19 ng Nobyembre 2022 kasama ang mga piling bisita na makikilahok at magpapasiklab ng kanilang talento. Ang ticket ay nagkakahalagang 200 pesos at maaring kayong bumili sa mga sumusunod:

• Parish Office
• PPC Secretariat
• Ministry Coordinators
• Organization Coordinators
• Area Coordinators

Halina't tunghayan ang Harana Kay Maria 2022!

Para sa iba pang detalye maaring makipag-ugnayan sa aming Facebook page gamit ang link na ito: www.facebook.com/MalateCatholicChurch


We’d like to hear your thoughts about this article. Please let us know what you think. Thank you.

Our Community